Sunday, October 19, 2014

From this point forward

24. The number strikes me like as if I need to end something I'm aware of, but I simply just cant accept.

Andaming ideas sa utak ko na wala na akong mapagsiksikan at lagi kong sinasabi na from this point forward, i'll just do it. I will take the risk! Pero hanggang ngayon, base sa mga nakikita ko, mabagal ang pagtakbo ng progreso.

Masyado sigurong nabulag yung mga senses sa dikta ng nakararami. Nagpadala masyado sa pampam na nagpapaka perpektong mundo. Tumutok masyado sa ulul na box na naging basehan ng ethics o nung mga tama at mali. Ginawang excuse ang pagiging realistic para masabing hindi idealistic. Lumangoy masyado papunta sa alon ng bangag na buhay.

Nasusuka na ko sa mundo. Kahit sabihing YOLO, ayoko parin magsuot ng polo. Nakakainis ingleshin ang putang ina. Walang feelings. Walang lasa. Nakakasawang marinig ang standards. Nakakawalang gana, mas masarap pa ang youngstown sardines na nasa lata.

Wala akong paki alam kung mamatay lahat ng taong nagyoyosi sa mundo dahil wala rin naman silang pakiramdam sa mga taong nakaka-singhot nito. Wala na akong paki-alam pero may paki parin ako. Anong bago. Pa ikot-ikot ang paligoy ligoy sa mundo. Kaya ang mga kaso sa senado, wala ng dulo puro bago.

May oras na gusto ko mo na lang isipin ang sarili mo pero hindi mo pala pag aari ang ari mo. Kahit anong gawin mo bawat tao ay may kaniya kaniyang kumento na akala mo sila ang nagpadede sayo nung baby ka pa. Walang bago.

From this point forward, from this point forward, kahit sa kanan o sa kaliwa, mag eenjoy tayo at wala na akong pakialam sa nararamdaman mo, pero may paki ako sa kupal na mundo ng mga pampam na tao.

No comments:

Post a Comment