Sunday, June 29, 2014

HUWAG KANG PUPUNTA SA BOHOL

Chocolate Hills Bohol Philippines
Huwag kang pupunta sa Bohol o kahit saan sa Pilipinas kung hindi mo kayang respetuhin ang mga lugar na ito.

Cebu Music Blind Entertainers
Kung katulad ka namin na manggagaling sa Cebu at sasakay ng ferry para makapuntang Bohol, siguradong isa ka sa mga taong hindi ipagkakaila ang napaka-siglang yaman ng dagat ng lugar na ito. Yan ay dahil, kapag baba mo palang sa Port ng tagbilaran ay mapapansin mo agad ang mga colorful na isda na lumalangoy sa sobrang linaw na tubig.

Port of tagbilaran 
Yun nga lang, badtrip sa mata yung mga gasoline tank ng Shell, Petron etc. na makikita mo sa shore. Para silang yung mga malalaking factories sa gilid ng ilog Pasig sa Mandaluyong na sigurado akong sumira ng dating magandang Pasig river.

wasted 
Huwag kang pupunta ng bohol if your only plan is to get wasted partying all night at the many beachfront resto bars in Bohol. Madami kasi sa inyo ang ginagawang excuse ang pagkalasing o pagka-wala sa sarili habang kung ano-ano na lang ang kinakalat sa beach okaya naman sa dagat. Yung iba pa, makikipag-landian tapos pupunta sa malalim na part ng dagat dala-dala yung alak, tapos kapag ubos na iiwan na lang yung bote dun. Akala ata nila nag-contribute pa sila ng bagong tirahan ng mga isda. SUSMARIA!

I really don’t think those resto bars are capable of preventing the damage their customers are doing, kahit ilang signages pa ang ilagay niyo, may mga makukulit paring lulusot. I really don’t like the idea of beach front resto bars. Pakiramdam ko balang araw magiging brown na yung mga white beaches ng Philippines dahil sa kung sino-sinong tumatapak at nagkakalat dito.

Bohol is just one of the Philippines beautiful islands where being one with nature is an endless possibility. Why not just spend your time watching fireflies in Loboc River, Dolphin watching and Swimming with Sea Turtles in Balicasag Island,

Dolphin watching
Tambay Mode, Hug a tree or Simply Magpalamig sa Manmade Forest, 

Tambay Mode Hug a tree

Kung medyo nagsesenti ka at gustong mag-isa try Hinagdanan Cave,

Hinagdanan Cave Hinagdanan Cave Hinagdanan Cave

Hinagdanan Cave

or go sun bathing at Virgin Island.

Sun Bathing?

Then by the end of the day, if you really want to get drunk, do it in your resorts own pool.

Its more worthy than getting wasted, then waking up in a pristine island beside your own waste.

Dauis Church Bohol Philippines

Do not go to bohol if you’re planning to see enormous catholic churches, because what is left are only fragments from the past. Almost all churches are ruined by the recent magnitude 7 earthquake.

Inside Dauis Church 
Though they still stand because of some reinforcements from the people and the government efforts, there is still like a feeling that  someone is telling us, it’s time to write our new history.

Tarsier of Bohol Philippines 
Do not go to bohol if you have plans of touching, taking selfie picture, playing or purchasing a Tarsier. Please lang leave them alone! Pinagsisihan kong dalawin ang mga Tarsier ng bohol. Pakirmadam ko bawat araw may namamatay sa kanila dahil sa puyat dulot ng mga bisitang tulad ko. Nocturnal animals ang mga Tarsier at kung ako ang nasa kalagayan nila, tapos you’ll take a picture of me habang mahimbing akong natutulog, aba giyera to!

 

Bukod sa El Nido Palawan, isa ang Bohol sa magagandang lugar na napuntahan ko dito sa Pilipinas. Hindi man siya kasing misteryoso ng Laguna, Leyte o Siquijor, marami naman itong maipagmamalaking sariling ganda.

I hope all tourists, settlers and business owners in Bohol knows their responsibility.   A responsibility to let the future generation experience real joy, nature gives us today.

Photos at www.facebook.com/juanhapitoworks. Creative shots at www.juanhapito.tumblr.com

No comments:

Post a Comment