Friday, December 23, 2011

ANG PAG-IBIG NI PAKITA 2

Para maka-relate ka sa storya basahin mo ang part 1
(Click the link below)
 http://kantolife.blogspot.com/2011/10/ang-pag-ibig-ni-pakita.html
221806_1837606793052_1626976207_1823933_6503095_n
SILIP SA SUSUNOD NA KABANATA
Hindi naman gaanong siksikan sa jeep. Tama lang. Yun bang may option ka pa whether haharap ka sa kanan o sa kaliwa. Yun nga lang, di masyadong maliwanag ang paligid. Dilaw kasi yung ilaw ng Jeep. Mula sa kaniyang bulsa ay kinuha ng driver ang kaniyang mp3 player. Isinaksak sa jack ng speaker at nagpatugtog ng faithfully na kanta.
“Highway run, Into the midnight sun”
Si Pakita na naka-upo sa bandang dulo ng jeep malapit sa driver ay napansin ang isang lalaki. Namumutla ito at parang inahit ang kilay. Kung titignan mong ma-igi ang kaniyang pulang T-shirt, para itong nadungisan ng kung anong likido. Hindi mo mawari kung pawis o kung ano. Nakapatong sa kaniyang hita ang isang malaking bag. Yung tipo ng bag na ginagamit nung mga nagi-gym. Panay ang sulyap nito sa mga babae na nasa loob ng jeep. Ilang sandali pa, huminto ang jeep. May sumakay na isang babae na naka-uniform at umupo sa tabi ng lalaki. Umusog ang lalaki at tumapat kay Pakita.
Maya-maya pa, nanlaki ang mga mata ni Pakita sa kaniyang nakita. Si mamang namumutla, unti unting inilalapit ang kaniyang ilong sa mahabang buhok ni Ate na katabi nito.
“Bayad po, isa estudyante!”, sambit ng babae
Biglang may nag-ring na phone. Tinginan ang lahat ng tao na nasa loob ng jeep. Binuksan ng namumutlang lalaki ang kaniyang bag at kinuha ang kaniyang cellphone.
“Hello”, sinagot ng lalaki ang kaniyang telepono
Lumakas ang pagtibok ng puso ni Pakita ng may nakita siyang buhok na sumisilip mula sa loob ng bag ng lalaki.
“Tawagan kita mamaya”, agad na ibinaba ng lalaki ang kaniyang cellphone at mabilis na inayos sa bag.
Biglang napakapit sa kaniyang sariling bag si pakita ng malaman niyang nakatingin na sakaniya ang lalaki.
Sa panahong yun, papasok ang sinasakyang jeep nila Pakita sa isang underpass.
Itutuloy….


ANG PAG-IBIG NI PAKITA 2
I.
Binuksan ni Pakita ang refrigerator at kumuha ng isang pitsel ng tubig. Tinungga niya ito na parang wala sa sarili. Naka-suot ng sando at maiksing shorts, naka-ipit ng magulo ang buhok at mukha talagang wasted.
Mula sa kusina kung nasaan ang kanilang ref ay pumunta siya ng sala. Isinalpak ang isang CD ng karaoke sa kaniyang player. Kinuha ang mic at kumanta.
“Tulak ng bibig kabig ng dib-dib 2x”
“Di ko na alam ang gagawin ko sa iyo,
Paulit-ulit na nalilito oh ba’t ganito”
Maya-maya pa ay unti-unti ng nababasa ang mic ng mga luha ni Pakita.
II.
“Anong trabaho mo ngayon at mukha kang wasted?”
“wala, blogger”
“Trabaho ba yun?”
“Hindi!”
Inis na inis si Pakita sa dati niyang classmate. Nagkita-kita kasi sila sa isang get together na inorganize ng Alumni Association ng kanilang University.
“Ang sungit mo naman, sana di ka na lang pumunta dito kung ganyan ka!”
“Eh ininvite ako eh anong magagawa mo?”
Galit na lumabas si Pakita sa auditorium ng University. Napansin siya ng isang pamilyar na lalaki. Si Junny.
“Pilomina!”
“ANO!?!”, galit na hinarap ni Pakita si Junny
Nagulat din si Pakita na si Junny ang kaharap niya.
“Lumayo ka sakin galit ako!”, sabay sambit nito ng lamang si Junny ang kaharap
“Wala naman akong ginagawa sayo eh”
“Ayoko muna Junny, Please”
“Promise di kita uuratin ngayon! Sige na please!”
III.
Nakaupo na ngayon sa bench ang dalawa sa labas ng University at humihigop ng softdrinks na nakalagay sa plastic.
“Kamusta ka na?”
“Wala akong trabaho kung tatanungin mo ko”
“hindi naman yun itatanong ko eh”
“Junny ano bang gusto mo?”
Tumingin sa itaas si Junny, ngumiti at sinagot si Pakita.
“Ikaw”
Biglang naloka ang kalooban ni Pakita. Kinikilig siya pero hindi niya ito ipinapahalata kay junny.
“Ano ba? Iiwan kita dito”
“Iiwan mo nanaman ako, gagawin mo nanaman yung ginawa mo nung ipinalabas yung video sa theater”
“Matanda na tayo Junny”
“Matanda na nga tayo eh, kaya wag ka na tumakbo. Harapin mo na kasi ako”
“Nanliligaw ka ba nanaman?”
“OO”
Natulala si Pakita.
IV.
“Nakakatawa yung mukha mo nun sa video”
“Ang yabang mo naman, if I know crush mo rin naman ako noon”
“Hala, wag kang feeling ah di kita sasagutin!”
“Nakahiga ka na nga sa binti ko hindi mo pa ko sasagutin”
Biglang tumayo si Pakita mula sa pagkaka-higa sa binti ni Junny.
“Baka nagkakalimutan tayo ah, nanliligaw ka palang”
“Ui relax ito naman binibiro lang eh.”
Muling inihiga ni Junny sa kaniyang binti si Pakita. Ilang segundong nanahimik ang dalawa.
“May dumaan na angel”, sambit ni Pakita
“Panong dadaan eh nakahiga sa binti ko yung angel.”
Kilig na kilig si Pakita
“Nakakainis ka!”, sabay suntok ni Pakita kay Junny
“Aray naman”
“Sorry, ikaw kasi eh”
“Pakita, tayo na lang”
Umupo si Pakita, “Bakit nangangawit ka na ba?”
“Kahit habang buhay ka humiga diyan hindi ako mangangawit”
“Sabi mo tayo na lang”
“Tayo na lang?”
Tumayo si Pakita
“OO sige, ayan”
“Tayo na? YES!”
Binatukan ni Pakita si Junny

V.

“Gusto ko yung nasa itaas ng bundok, tapos overlooking yung mga city lights and masarap mag-star gazing, tapos nakapatong yung ulo ko sa shoulder nung taong love ko. Then biglang maglalabasan yung mga alitaptap. Yung parang sa movie, basta ang gusto ko romantic.”
“Parang ganito?”
VI.
“Gusto mo rin naman pala ako, bakit ka tumakbo nung nakita mo yung video presentation ko?”
“Hindi pa kasi ako ready nun, di pa ko graduate nun eh”
“Eh ngayon ready ka na?”
“hindi ko alam”
Ipinatong ni Pakita ang kaniyang ulo sa balikat ni Junny. Ilang sandali lang may isang malaking poster na may larawan ng newyork city lights ang lumipad sa paanan nila pakita. Napansin naman ni Junny ang buwan.
“Nakangiti satin yung buwan”
Tumingala si Pakita at tinanggal sa pagkaka-patong sa balikat ni Junny ang kaniyang ulo.
“Oo nga ang ganda!”
Napatitig si Junny kay Pakita. Meron siyang kakaibang nararamdaman.
Ganun din naman si Pakita. Dun lang niya nakita ng sobrang lapit ang mukha ni Junny.
Sa mata naman ni Junny, ang ganda ganda ni Pakita. Parang isang anghel na nagliwanag si Pakita sa paningin ni Junny.
Maya-maya pa ay unti-unting naglalapit ang kanilang mukha. Sunod ay naglapat na ng tuluyan ang kanilang mga labi.
Napaka-bilis ng pagtibok ng puso ni Junny. Matagal na niya itong hinihintay. First Year college palang, si Pakita na talaga ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay. Kaso, biglang bumitaw sa pagkakahalik si Pakita at tumakbo palayo.
Hindi na siya nagawang habulin ni Junny
VII.

Patuloy ang pag-patak ng luha ni Pakita. Patuloy ring tumutugtog ang karaoke. Ilang saglit lang naka-received ng text si Pakita.
“SI JUNNY TO, OK KA LANG BA?”
Hindi pinansin ni Pakita ang text ni Junny. Tumalungko si Pakita at humagulgol sa pag-iyak.
Maya-maya pa, nakareceived siya ng panibagong text.
“MAHAL, SA ISANG LINGGO NA KO UUWI SA MANILA. PARTY PARTY PA KAMI DITO BAGUIO. WOHHOOOOOO”
-END-













































































































1 comment:

  1. Ay! Nagets ko na! May boyfriend na si Pakita no? Hindi si Junny. :(

    ReplyDelete